
Sa ika-13 na linggo ng First Lady, nagdesisyon na si Melody (Sanya Lopez) na tumakbo sa pagkapangulo at maging substitute ni Glenn (Gabby Concepcion).
Nagdadalawang-isip pa si Melody nang unang ialok sa kanyang ang pagkapangulo pero sinunod niya rin ang gusto ng taong bayan at tumakbo para sa pinakamataas na posisyon sa gobyerno.
Matapos ang announcement ni Melody, agad nag-file ng disqualification case ang kampo ng makakalaban niyang si Allegra (Isabel Rivas) sa pamamagitan ng abogadong si Ingrid (Alice Dixson).
Bukod sa disqualification case, nagpakalat rin si sina Allegra at Ingrid ng fake news at troll upang mapigilan ang pagtakbo ni Melody.
Kahit na maraming paninirang puri ang ibinabato sa kanya, hindi nagpatinag si Melody at tumindig para sa kinabukasan ng Pilipinas.
Ano kaya ang mangyayari sa harapan nina Melody at Allegra sa pagkapangulo ng Pilipinas?
Panoorin ang First Lady, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.
Samantala, kilalanin ang iba pang cast ng First Lady dito: