What's on TV

Sanya Lopez, aminadong mami-miss ang kanyang 'First Lady' co-stars

By Aaron Brennt Eusebio
Published June 8, 2022 7:15 PM PHT

Around GMA

Around GMA

3 weather systems to bring rains over PH
Athletes from Talisay City, Cebu bag 3 golds in 33rd SEA Games
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Dears of First Lady


Ngayong malapit nang matapos ng 'First Lady,' ready na kaya si Sanya na pagtuunan ng pansin ang kanyang love life? Alamin dito.

Aminado ang aktres na si Sanya Lopez na mami-miss niya ang kanyang co-stars sa First Lady ngayong malapit na sila maghiwa-hiwalay dahil apat na linggo na lang mapapanood ang kanilang programa.

Sa panayam ni Sanya kay Lhar Santiago sa 24 Oras, naniniwala ang aktres na hindi matatapos sa taping ang kanilang pagiging magkaibigan, lalong-lalo na ng co-stars niyang sina Maxine Medina, Thia Thomalla, Cassy Legaspi, Cai Cortez, at Kakai Bautista.

Aniya, "Ano man ang mangyari, magkikita at magkikita kami, lalo na't may ginagawa nga po kaming YouTube, meron na kaming YouYube channel, ang 'The Dears.'"

Ngayong malapit nang matapos ang First Lady, nagbigay ng patikim si Sanya kung ano ang mangyayari sa kanilang teleserye.

"Nandiyan 'yung magugulat tayo. Nandiyan 'yung mga, 'Ha!? Bat nangyari 'yun?'

"May malalaman ba kami? Ano mga malalaman namin tungkol kina Allegra? Kay Ingrid? May mga revelations."

Dahil sa tagumpay ng First Lady, umaasa si Sanya na madudugtungan pa ang kuwento ni Melody at magkakaroon ng book three ang programa.

"Sabi nga namin, kung ipagkakaloob sa atin, blessing 'yun. So, tanggapin natin.

"Sana, sana kasi marami ding mga tao na mga nanonood sa amin na nag-aabang sa Book 3. Sana nga daw hindi pa muna tapusin."

Ngayong matatapos na ang First Lady, handa naman na kaya si Sanya na magkaroon ng boyfriend?

Sagot niya, "Kapag binigay nga sa atin, e, si Lord na ang bahala doon. Alam naman ni Lord kung sino 'yung ibibigay niya para sa akin.

"Open naman ako as long as maiintindihan niya 'yung trabaho."

Mapapanood ang huling apat na linggo ng First Lady, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

Samantala, tingnan kung paano nabuo ang pagkakaibigan nina Sanya, Maxine, Thia, Cassy, Cai, at Kakai sa mga larawang ito: