GMA Logo Gabby Concepcion and Sanya Lopez in 'First Lady'
Image Source: concepciongabby (Instagram)
What's on TV

Gabby Concepcion, nakaranas ng sepanx sa pagtatapos ng lock-in taping ng 'First Lady'

By Aaron Brennt Eusebio
Published June 16, 2022 4:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

3 weather systems to bring rains over PH
Athletes from Talisay City, Cebu bag 3 golds in 33rd SEA Games
Gabbi Garcia reveals PCOS diagnosis, champions body positivity

Article Inside Page


Showbiz News

Gabby Concepcion and Sanya Lopez in 'First Lady'


Ngayong tapos na ang 'First Lady,' ano na kaya ang planong gawin ni Gabby? Alamin DITO.

Aminado ang batikang aktor na si Gabby Concepcion na nakakaranas na siya ng separation anxiety sa pagtatapos ng lock-in taping ng top-rating GMA Telebabad series na First Lady.

Ayon kay Gabby, madalas siyang nakakaramdam ng sepanx tuwing matatapos na ang ginagawa niyang teleserye.

"Ganun naman 'yung feeling ng tinatawag nilang Sepanx, separation anxiety. Nangyari sa akin to noong gumawa kami ng teleserye with Carla [Abellana], sina Jennylyn [Mercado], lahat ng mga nakasama ko sa teleserye," pag-amin ni Gabby sa report ni Lhar Santiago sa 24 Oras.

"And it's the last two, three [taping] days, nakakalungkot and we're already going that direction."

Dagdag ni Gabby, mas naging close kasi sila ng mga bida ng First Lady dahil sa mahabang lock-in taping kung saan sila-sila lang ang magkakasama.

"'Yung lock-in na tinatawag nila, doon talaga naging close 'yung mga cast, 'yung mga kasama ko, 'yung sa staff, basta lahat ng kasama ko sa paggawa ng First Lady."

Isang post na ibinahagi ni Gabby Concepcion (@concepciongabby)

Ngayong tapos na ang lock-in taping ng First Lady, ano na kaya ang gagawin ni Gabby?

"Hindi ko lang alam kung mag-i-ilang buwan ako sa beach, dito lang ako sa Pilipinas but definitely, I'm going to take a vacation, just like everybody.

"Take a break, time to breathe, time to relax, time to rejuvenate. Kumbaga, sa baterya, kailangan natin mag-recharge."

Isang post na ibinahagi ni Gabby Concepcion (@concepciongabby)

Tutukan ang huling tatlong linggo ng First Lady, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

Samantala, tingnan ang napakagandang beach house ni Gabby sa Lobo, Batangas sa mga larawang ito: