
Mapapanood sina Glaiza De Castro, Carla Abellana, at Rabiya Mateo sa finale week ng top-rating GMA Telebabad show na First Lady na pinagbibidahan nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.
Sa katunayan, masaya si Glaiza na muli niyang makakatrabaho si Sanya na nakasama na niya noon sa requel ng Encantadia.
Ani Glaiza, "After so many years, 'di ba nagkanya-kanya kami ng shows, iba't iba 'yung ginawa namin pero nakakatuwa na makita ulit, makaeksena ko ulit si Sanya tapos ibang character na."
"So nakaka-miss din 'yung feeling na ganun."
Mapapanood ang huling linggo ng First Lady sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.