IN PHOTOS: 'First Yaya' stars go to La Union

Balik-trabaho na sina Sanya Lopez, Gabby Concepcion at iba pang stars ng First Yaya. At para sa second leg ng kanilang taping ay nasa La Union sila.
Nitong November 2020, sumabak na sa kanilang unang lock-in taping ang cast ng First Yaya. Dito rin nangyari ang unang pagkikita nina Sanya at Gabby sa personal.
Matapos ang holidays, muli silang nagsama-sama para tapusin ang production ng inaabangang Kapuso rom-com series. At kahit balik-trabaho, tuloy pa rin ang kanilang bonding at pati na ang pag-e-enjoy sa beach.
Paniguradong ramdam ang summer sa ilang episodes ng First Yaya! Ngunit bago 'yan, silipin muna ang ilang kuha behind the scenes nina Sanya, Gabby, at kanilang co-stars sa gallery na ito.

















