KILALANIN: Sanya Lopez, Gabby Concepcion at iba pang bida ng 'First Yaya'

Makikilala na natin ang characters ng Kapuso rom-com series na First Yaya!
Ang First Yaya ang modern-day fairytale na katatampukan ni Sanya Lopez bilang si Yaya Melody at ni Gabby Concepcion bilang si Glenn Acosta na naging pangulo ng bansa. Tatakbo ang kuwento tungkol sa kanilang heartwarming but complicated relationship na nababalot ng mga problema sa pamilya, pulitika at mga sikreto ng nakaraan.
Ang Kapuso rom-com series ay kinabibilangan din ng iba pang beterano at mahuhusay na artista, at mapupuno rin hindi lamang ng kilig at katatawanan ngunit pati na rin ng drama, action at suspense.
Kilalanin ang stellar cast ng 'First Yaya' at ang kanilang characters sa gallery na ito.






















