SNEAK PEEK: Kasal nina Melody at Glenn sa 'First Yaya'

Sa finale episode ng First Yaya mamaya, may patikim na tungkol sa kasal na mangyayari.
Palaisipan kasi sa mga manonood kung sino ang magpapakasal dahil pareho nang engaged ang magkasintahang sina President Glenn at Melody, at PSG couple na sina Conrad at Val.
Pero sa inilabas na teaser para sa finale episode mamaya, tila may sagot na sa tanong dahil makikitang naghihintay si President Glenn sa altar kasama ang kanyang inang si Blessie (Pilar Pilapil).
Ipinakita na rin ang gown na susuotin mamaya ni Melody (Sanya Lopez).
Bago ang finale episode ng First Yaya, silipin muna ang mga invited sa kasal nina President Glenn at Melody DITO:






