What's on TV

EXCLUSIVE: Sanya Lopez, handa ba kung magkaroon ng intimate scenes with Gabby Concepcion?

By Cherry Sun
Published October 23, 2020 2:48 PM PHT
Updated March 3, 2021 2:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez and Gabby Concepcion


Aminadong kinikilig si Sanya Lopez sa kanyang 'First Yaya' leading man na si Gabby Concepcion. Ready kaya siya kung sakaling magkaroon sila ng intimate scenes?

Hindi pa man nakikita nang personal ni Sanya Lopez ang kanyang leading man na si Gabby Concepcion, sinigurado ng aktres na handa siya kung sakaling bigyan sila ng intimate scenes sa upcoming Kapuso series na First Yaya.

Sanya Lopez and Gabby Concepcion

Si Sanya ang gaganap sa title role ni Yaya Melody sa First Yaya. Sa unang pagkakataon ay makakapares niya si Gabby na gaganap bilang isang pangulo.

Ikinuwento ng Kapuso actress ang kanyang first impression tungkol sa kanyang leading man.

Ani Sanya, “Siya 'yung pakiramdam ko talagang tinitingala ng lahat. Ganun siya and ano kasi siya, magaling na aktor at pakiramdam ko… very professional, at siyempre gwapo po. 'Yun talaga 'yung first impression ko sa kanya.”

Pansin din daw ni Sanya na laging nakakabuo ng magandang chemistry sa kanyang mga leading lady ang aktor.

Wika niya, “Parang lahat ng i-partner sa kanya bagay. Kaya niyang dalhin 'yung kilig kahit 'yung tiningnan ka lang niya, ganun 'yung pakiramdam niya.”

Pag-amin ng First Yaya star na kinikilig siya kay Gabby at excited na siyang makita ang aktor nang personal at makasama sa set.

Sambit ni Sanya, “'Yung kilig na parang fan, ganun 'yung pagkakilig ko sa kanya. And 'yun 'yung sinasabi ni Direk LA na 'wag ko munang alisin 'yun, 'yung para akong fan ni Mr. Gabby Concepccion kasi 'yun 'yung gusto niya ma-catch kapag nagkita na kami doon sa teleserye.”

At kahit hindi pa sila pormal na magkakilala, hindi raw aatrasan ni Sanya kahit magkaroon sila ng intimate scenes sa Kapuso series.

Pahayag niya, “Ako naman I always do my best eh kung ano man 'yung trabahong ibinibigay sa akin. And if ever na bigyan ako ng mga intimate scene with him, feeling ko kakayanin ko naman 'yun dahil 'yun nga, once binigyan ako ng trabaho, ginagawa ko 'yung best ko sa trabahong ibinigay sa akin.”

Samantala, sa pamamagitan ng kanyang Instagram Story ay ipinahiwatig na rin ni Gabby ang kanyang excitement na makatrabaho si Sanya.

READ: Sanya Lopez, top choice ng GMA Network para sa title role ng First Yaya