GMA Logo Gabby Concepcion at Sanya Lopez
What's on TV

Gabby Concepcion, excited sa tambalan nila ni Sanya Lopez sa 'First Yaya'

By Dianara Alegre
Published November 20, 2020 10:56 AM PHT
Updated March 3, 2021 2:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCIJ: ‘Allocable’ for solons in Iloilo City, province reaches P4.3B
DOJ Usec. Jojo Cadiz, nagbitiw sa puwesto sa gitna ng alegasyon sa flood control
GMA Pinoy TV wins big at the Anak TV Seal Awards 2025!

Article Inside Page


Showbiz News

Gabby Concepcion at Sanya Lopez


Sa unang pagkakataon ay magtatambal para sa isang serye sina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.

Malapit nang magsimula ang lock-in taping para sa bagong Kapuso primetime series na First Yaya na pagbibidahan nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.

Ito ang unang beses na magtatambal ang dalawang Kapuso stars at hindi lang fans nila ang excited nang mapanood sila sa screen.

Gabby Concepcion at Sanya Lopez

Nang makapanayam ng 24 Oras, ibinahagi ni Gabby na pati siya ay “excited” na ring makatrabaho si Sanya.

“Marami na akong narinig na maganda tungkol sa kanya. Malaki ang fanbase niya and gusto kong makarating sa kanyang fans na I'm really happy na makakasama ko ang idol ninyo.

“It'll be a surprise. Hindi ko pa siya nakikila in person. Okay naman siya sa Zoom. Ang ganda naman ng energy na nakikita ko, so, I'm excited,” aniya.

Ayon kay Gabby, ang First Yaya ay iikot sa istorya ng isang pulitiko “behind the scenes” ng kanyang posisyon.

“Ang pinaka-tema niya is 'yung relationship nu'ng politician na 'yon, nu'ng presidente na 'yon behind the scenes. Sa image kasi natin ang mga presidente, tough, pero may puso rin sila, e, and 'yun ang gusto nating makita,” dagdag pa niya.

Samantala, tatagal ang lock-in taping para sa First Yaya hanggang bago mag-Pasko kaya sa unang pagkakataon in recent years ay sa Pilipinas sasalubingin ng aktor ang holiday season.

“First time ko lang mase-celebrate ang Christmas dito kasi every year umaalis kami. Pero ngayon first time naming ma-experience na dito lang sa bahay since 2008. Iba rin siya. Iba ring thrill siya kasi something new again,” aniya.