
Katulad ng maraming mga Pilipino, dumaan din sa punto ng buhay si Sanya Lopez kung saan kailangan niyang alagaan ang mga anak ng kanyang mga pinsan, at ang kanyang lola.
Kuwento ni Sanya na bibida sa upcoming primetime series na First Yaya, nasa elementarya pa lang siya nang simula niyang alagaan ang mga baby ng kanyang mga pinsan.
Pagdating ng high school, ang kanyang lola naman sa Bulacan ang kanyang inalagaan.
"Magpapalit ng diaper kung kakayanin, nagpapatulong ako sa mga tita ko pa rin, nagpapakain sa kanila, nagluluto ng mga pwede nilang kainin," pagbabalik-tanaw ni Sanya.
"Nung high school ako sa Bulacan, kasama ko doon 'yung lola ko, ako na 'yung kasama niya tapos ako lagi nagpe-prepare ng pagkain ni lola, ako naglalaba ng damit ni lola, ako talaga nag-aalaga sa kanya."
Kahit na mahirap alagaan ang kanyang mga pamangkin, masaya si Sanya sa ginagawa niya dahil bukal ito sa kalooban niya.
Dagdag niya, "Ginagawa ko siya, hindi dahil responsibility, e. Ginagawa ko siya dahil mahal ko 'yung inaalagaan ko."
"'Yun naman 'yung importante, e. 'Tsaka sila 'yung kapag tinulungan, ramdam mo 'yung pagmamahal nila sa'yo.
"Kaya hindi mo mararamdaman 'yung pagod."
Nagamit din ni Sanya ang kanyang karanasan sa pag-aalaga sa kanyang karakter bilang si Yaya Melody sa First Yaya.
"Nagamit ko siguro 'yung mas puso 'yung pinairal ko, pinaramdam ko sa kanila na once mayroon kang isang tao na inaalagaan, importante na mayroon kang puso.
"Importante na totoo 'yung pinapakita mo sa kanila."
Panoorin ang buong report ni Lhar Santiago sa 24 Oras:
Makakasama ni Sanya sa First Yaya si Gabby Concepcion, na mapapanood na sa Lunes, March 15, pagkatapos ng 24 Oras.
Bukod kina Sanya at Gabby, kilalanin pa ang mga bibida sa First Yaya DITO: