What's on TV

Gabby Concepcion praises Sanya Lopez: "Hindi siya pasosyal"

By Dianara Alegre
Published March 15, 2021 11:57 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Saksi Express: December 23, 2025 [HD]
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez at Gabby Concepcion


Pinuri ni 'First Yaya' star Gabby Concepcion ang humility ng leading lady niyang si Sanya Lopez.

Ilang beses nang naibahagi ng First Yaya cast na naging madali sa kanila ang makapalagayang-loob ang isa't isa habang nasa lock-in taping ng highly-anticipated romantic-comedy series.

Kabilang na rito ang nabuong friendship sa pagitan nina First Yaya lead stars Gabby Concepcion at Sanya Lopez.

Ayon sa aktor, isa sa mga nagustuhan niyang ugali ni Sanya ang pagiging humble nito.

Cast ng First Yaya

Source: concepciongabby (Instagram)

“Hindi siya pasosyal. Nag-bond kami kaagad dahil 'yun ang masarap makasama. 'Yung normal na tao lang. Walang kaere-ere. 'Yun ang pinortray niya as Melody dito sa First Yaya,” ani Gabby nang makapanayam ni Suzi-Abrera Entrata para sa Unang Hirit.

Para naman kay Sanya, magaling daw makisama si Gabby kaya naging magaan ang pakikipagtrabaho niya rito.

“Sobrang sarap kausap ni Sir Gabby Concepcion. As in grabe. Tsaka magaling siya mag-adjust sa lahat. Kaya niyang makipagsabayan sa amin. Napa-TikTok ko siya. Hindi pala siya sumasayaw,” kwento ni Sanya.

Isang post na ibinahagi ni Sanya Lopez (@sanyalopez)

Sanay sa heavy dramas si Sanya at ito ang unang beses na sumabak siya sa isang romcom series. Aminado siya na noong una ay nangangapa pa siya, ngunit kalaunan ay naging kumportable rin siya sa tulong na rin ni First Yaya director LA Madridejos.

“Ang sinabi lang sa 'kin ni Direk LA na talagang tinatandaan ko, naming lahat, e lagi niyang pinapaalala na, “Maging totoo ka lang. Maging ikaw lang. Hindi mo kailangan umarte kasi habang pinapanood kita sa vlog mo 'yun si Yaya Melody',” aniya.

Bukod kina Gabby at Sanya, kasama rin sa cast ng serye sina Pancho Magno, Cassy Legaspi, Joaquin Domagoso, Maxine Medina, Kakai Bautista, Gardo Versoza, Jon Lucas, Cai Cortez, Rechie Del Carmen, Pilar Pilapil, Sandy Andolong, Glenda Garcia, Analyn Barro, Anjo Damiles, Jerick Dolormente, Jenzel Angeles, Clarence Delgado, Patricia Coma, at Thou Reyes.

Mapanonood na ang First Yaya simula ngayong Lunes, March 15, sa GMA.

Samantala, Hindi lamang sa GMA 7 pwedeng mapanood ang First Yaya dahil ipalalabas na rin ito sa GTV at HOA channels ng Kapuso network.

Abangan ang premiere ng TV series na handog ng GMA Network simula ngayong gabi, March 15, sa GMA 7, GTV, at HOA.

Silipin ang mga kaganapan sa pilot taping ng 'First Yaya' sa gallery na ito:

'First Yaya,' 'di lang puro kilig at drama, action-packed din!