GMA Logo Cassy Legaspi
What's on TV

Cassy Legaspi, pinuri ng netizens sa kanyang husay sa pag-arte sa 'First Yaya'

By Cherry Sun
Published April 5, 2021 4:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Travelers head out for Christmas break
Holiday exodus in W. Visayas, Negros Occ starts
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Cassy Legaspi


Ang 'First Yaya' ang unang acting job ni Cassy Legaspi sa isang TV series.

Hanga ang netizens sa husay na ipinamalas ni Cassy Legaspi sa kanyang pagganap bilang Nina Acosta sa First Yaya.

Ang First Yaya ang kauna-unahang acting role ni Cassy sa isang TV series. Gumaganap siya rito bilang si Nina, pinakamatandang anak ni President Glenn Acosta, character na binibigyang-buhay ni Gabby Concepcion.

Unang sabak man niya ito sa pag-arte, hindi mapapansing baguhan ang anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi. Hangang-hanga kasi ang mga manonood sa pagganap ni Cassy.

Wika ng isang netizen na may ngalang Sheee Yaaa, “Is this Cassy's first TV series? Ang gaing niyang umarte, gaya ng ina at ama niya.”

Sang-ayon din dito ang isang netizen na nagngangalang Ines Maglinte. Aniya, “Yes natural ang pag-arte ng anak ni Carmina. Ang gaing umiyak, natural lang di pilit. Congrats Cassy.”

Komento ng isang netizen na may handle na @itsurtrish, “Watching replays of First Yaya. Jusko ka Cassy Legaspi, ba't mo 'ko pinayak!”

Ramdam na ramdam din ng netizen na si Belaaaaaaa ang emosyon ng batang Kapuso actress. Sambit nito, “Grabe dalang dala ako sa acting ni Nina. Wala akong masabi. Nakaka-proud ka talaga @LegaspiCassy.”

Sa lumang panayam ni Cassy, ibinahagi niyang isa sa kanyang aral na dala sa set ng First Yaya ay ang bilin ng kanyang mga magulang na huwag magpadala sa nerbiyos.

Maliban sa kanyang husay sa drama, kaabang-abang din ang pagpapakilig ni Cassy kasama ang kanyang partner at young Kapuso actor na si JD Domagoso.

Alamin ang iba pang dahilan kung bakit hindi n'yo dapat tutukan ang First Yaya gabi-gabi!

Kilalanin din ang characters ng First Yaya sa gallery sa ibaba:

Para sa mga Kapuso abroad, maaari ring bisitahin ang http://www.gmapinoytv.com/subscribe para sa kumpletong detalye kung paano puwedeng mapanood ang First Yaya overseas.