
#Relate ang mga Kapuso abroad kaya nangunguna ang First Yaya sa ating mga overseas Filipino workers (OFW)!
Noong March 15, napanood ang world premiere ng Kapuso rom-com series na pinagbibidahan nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion. At kahit unang araw palang ng airing nito, patok na patok na ito sa mga manonood pati sa labas ng Pilipinas.
Ibinahagi ng GMA Pinoy TV ang positive comments ng mga Kapuso abroad.
Pahayag nila sa post, “The votes are in and it's official! We won the hearts of our Kapuso abroad! Thank you for your love and support! We promise you more kilig moments to come on 'First Yaya' on GMA Pinoy TV!”
Sabay-sabay tayong kiligin, tumawa at mangarap sa First Yaya tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8 P.M. Para sa mga Kapuso abroad, maaari ring bisitahin ang www.gmapinoytv.com/subscribe para sa kumpletong detalye kung paano puwedeng mapanood ang First Yaya overseas.
Basahin dito kung bakit hindi n'yo ito puwedeng ma-miss. Kilalanin din ang characters ng First Yaya sa gallery sa ibaba: