What's on TV

Sanya Lopez at Gabby Concepcion, thankful sa pagtangkilik ng viewers sa 'First Yaya'

By Cherry Sun
Published April 28, 2021 6:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez at Gabby Concepcion in First Yaya


Mataas na ang ratings, trending pa ang bikini scene sa 'First Yaya!' Alamin ang buong mensahe nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion para sa mga sumusubaybay ng kanilang rom-com series dito.

Puno ng pasasalamat sina Sanya Lopez at Gabby Concepcion sa mainit na pagtangkilik ng viewers sa First Yaya lalo na't milyon-milyon na ang nanonood ng red bikini scene ng aktres.

Sanya Lopez at Gabby Concepcion

Nakapanayam ni Lhar Santiago sa 24 Oras sina Sanya at Gabby. Magandang balita kasi ang bumungad sa dalawang Kapuso stars sa pagpasok nila sa ika-apat na lock-in taping ng First Yaya. Sa episode kasi nitong nakaraang Huwebes, April 22, ipinakita ang kaseksihan ni Yaya Melody habang nakasuot ng red bikini at humakot agad ito ng milyon-milyong views:

Ani Sanya, “Yung result nitong ginawa namin sa First Yaya, talaga namang sobrang nakakatuwa kasi katulad nga po ng sabi n'yo, ngayong nag-two million views na kaagad at balita ko nag-number one trending sa YouTube. At siyempre po, maganda 'yung ratings.

“Siguro na-miss din ng tao na magsuot ako ng ganun, ng swimwear. Kasi bilang Yaya Melody parang siyempre nasanay na sila na naka-uniform lang ako 'pag yaya, kaya talagang ang daming nag-abang.”

Wika naman ni Gabby, “Maraming salamat sa two million viewers and hopefully counting. At napakasaya naman talaga. Kahit saan kami magpunta ay 'yan ang naririnig namin.”

Nagbalik-taping na ang stars ng First Yaya nitong nakaraang linggo at masaya silang muling magsama-sama para sa trabaho.

A post shared by Gabby Concepcion (@concepciongabby)

Bahagi ni Sanya, “Sobrang excited po kaming lahat. 'Yung samahan namin parang ang tagal-tagal naming hindi nagkita, na parang kung puwede lang talaga kami magsama-sama.”

Panoorin ang kabuuan ng kanilang panayam sa video sa itaas.

Samantala, tingnan ang gallery na ito upang malaman kung bakit n'yo dapat suportahan ang tambalang #GlenDy nina Sanya at Gabby:

Kilalanin din ang characters ng modern-day fairty-tale story na ito sa gallery sa ibaba: