GMA Logo First Yaya characters
What's on TV

Maxine Medina at Sandy Andolong, nagkapisikalan sa set ng 'First Yaya'

By Cherry Sun
Published May 31, 2021 3:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipina nurse killed in tragic accident outside Sacramento VA Medical Center
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

First Yaya characters


Ipapakita ng character ni Sandy Andolong na si Edna na may pinagmanahan ang pagiging palaban ni Yaya Melody! H'wag palampasin ang episode na ito ng 'First Yaya' ngayong Lunes ng gabi!

Kung noong nakaraang linggo ay kinalaban ni Lorraine (Maxine Medina) si Yaya Melody (Sanya Lopez) sa isang bikini showdown, si Edna (Sandy Andolong) naman ang makakaharap niya sa episode ng First Yaya ngayong Lunes ng gabi.

First Yaya characters

Si Lorraine ang nanghamon sa paseksihan, pero si Yaya Melody pa rin ang nanguna sa puso ni President Glenn Acosta:

Ang palaban na ugali ni Yaya Melody, mukhang namana pala niya sa kanyang inang si Edna!

Mapapanood sa episode ngayong Lunes, May 31, ang tapatan nina Edna at Lorraine. Ang dalawang characters, magkakapisikalan pa!

Kahit kasi mahinahong nakipag-usap si Edna, ininsulto ni Lorraine ang pagkatao nila. Mukha bang basta lang aatras ang pamilya Reyes?

Huwag palampasin ang First Yaya tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8 P.M. Para sa mga Kapuso abroad, maaari ring bisitahin ang http://www.gmapinoytv.com/subscribe para sa kumpletong detalye kung paano puwedeng mapanood ang First Yaya overseas.

Kilalanin ang characters ng modern-day fairty-tale story na ito sa gallery sa ibaba: