What's on TV

BALIKAN: Certified trending na mga eksena ng 'First Yaya'

By Aaron Brennt Eusebio
Published July 2, 2021 5:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez


Bago ang finale ng 'First Yaya' mamaya, July 2, balikan muna natin ang ilang eksena na tumatak sa mga manonood.

Simula noong March ay gabi-gabi nang nagpapasaya ang top-rating primetime show ng GMA na First Yaya.

Ginagampanan nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion sina Yaya Melody at President Glenn Acosta, dalawang tao na nasa magkabilang mundo ngunit pilit na pinaglalapit ng tadhana.

Sa simula ng First Yaya, nagkakilala sina Melody nang manilbihan siyang yaya sa pamilya ni Glenn, na noon ay bise presidente pa lamang.

Matapos ang maraming pagsubok, nangyari na sa episode kagabi, July 1, ang pinakahihintay ng mga manonood: ang proposal ni President Glenn kay Melody.

Bago matapos ang kuwento ng First Yaya mamaya, July 2, balikan muna natin ang ilang videos na certified trending sa YouTube.

5. Nicole defends Melody | Episode 7
YouTube views: 2.3 million

Sa March 23 episode ng First Yaya, kinompronta ni Lorraine (Maxine Medina) si Yaya Melody dahil akala niya ay nagbibida-bida ito.

Nasunog kasi ang hotel kung nasaan ang first family para sa isang pagtitipon. Dahil mahal ni Melody ang kanyang trabaho, sinunod nito ang utos ng alaga niyang si Nicole (Patricia Coma) na hanapin ang pamana ng kanyang namayapang ina.

Akala ni Lorraine ay nagbibida-bida lang si Yaya Melody para mapansin ni President Glenn Acosta pero buti na lang at narinig ito ni Nicole kaya niya naipagtanggol nito si Yaya Melody.

4. Finding Melody | Full Episode 3
YouTube views: 2.6 million

Sa March 17 episode, hindi pumunta sa Pampanga si noong Vice President Glenn Acosta at ang kanyang bodyguard na si Conrad (Pancho Magno) upang hanapin si Yaya Melody.

Tinulungan kasi ni Yaya Melody ang anak ni Vice President Glenn na si Nicole nang ma-aksidente ito sa hotel na kanyang pinag-a-applyan ng trabaho.

Dahil sa kabutihang loob ni Melody, gusto ni Nicole na siya na lang ang maging yaya nito.

3. Melody's greatest heartbreak | Full Episode 1
YouTube views: 2.7 million

Sa pilot episode ng First Yaya, nakilala ng mga manonood ang kuwento ni Melody na noon ay isang OFW at breadwinner ng kanyang pamilya.

Matapos ang mahabang panahon, sorpresang umuwi si Melody sa Pilipinas at laking gulat niya nang malaman na buntis ang kanyang nakababatang kapatid na si Gemrose (Analyn Barro) at ang ama ng kanyang dinadala ay si Jasper (Anjo Damiles), ang boyfriend ni Melody.

2. Let the bikini battle begin! | Episode 52
YouTube views: 4 million

Sa May 27 episode, nagpatalbugan sina Lorraine at Melody sa isang "bikini battle."

Nagsuot kasi ng bikini si Lorraine habang nagbabakasyon sila para akitin si President Glenn Acosta kaya naman hindi nagpatalo ang grupo nina Melody, Pepita (Kakai Bautista), Norma (Cai Cortez), at Gemrose (Analyn Barro).

Tingnan ang mga larawan na kuha mula sa trending na eksena na ito:

Panoorin ang nakakatuwa at nakakaaliw na eksena na ito:

1. Melody's jaw-dropping beach body! | Episode 27
YouTube views: 6.2 million

Sa April 22 episode, ginulat ni Yaya Melody sina President Glenn Acosta at iba pa niyang kasama nang bigla siyang magsuot ng red bikini sa kanilang bakasyon.

Mapapanood ang finale episode ng First Yaya mamaya, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

Sa mga Kapuso abroad, mapapanood rin ito sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV. Pumunta lamang sa www.gmapinoytv.com para sa iba pang detalye.