GMA Logo Sanya Lopez
What's on TV

Sanya Lopez, excited na sa magiging buhay ni Melody bilang First Lady

By Aaron Brennt Eusebio
Published October 26, 2021 10:10 AM PHT
Updated January 24, 2022 1:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 26, 2025
Christmas not the same for all, calamity survivors show
New season of 'The Boyfriend' airs in January 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Sanya Lopez


Handa na ba kayong makilala si First Lady Melody Reyes?

Excited na si Kapuso actress Sanya Lopez sa magiging buhay ng kanyang karakter sa First Yaya na si Melody Reyes.

Sa sequel kasi ng show na First Lady, masusubaybayan natin kung anong mga pagbabago ang magaganap sa buhay ni Melody Reyes lalo na't kasal na sila ni President Glenn Acosta, ang karakter ni Gabby Concepcion.

"Sisiguraduhin namin na talaga namang mapapasaya namin ang lahat at muli kayong ngingiti," saad ni Sanya sa report ni Cata Tibayan sa 24 Oras.

Dagdag pa ni Sanya, maraming karakter ang madagdag sa kanilang masayang pamilya.

Isang post na ibinahagi ni Sanya Lopez (@sanyalopez)

Mapapanood ang First Lady sa GMA Telebabad sa 2022.

Samantala, balikan ang nangyaring 'bikini showdown' sa pagitan ni Sanya at ang kanyang co-stars sa First Yaya dito: