GMA Logo Gabby Concepcion and Sanya Lopez in First Yaya
What's on TV

Sanya Lopez kung magkakaroon ng anak sina Melody at Glenn: 'Go naman tayo diyan'

By Aaron Brennt Eusebio
Published October 27, 2021 3:37 PM PHT
Updated January 24, 2022 1:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Benguet police, kinumpirmang patay na si ex-DPWH Usec. Cabral
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Gabby Concepcion and Sanya Lopez in First Yaya


Little GlenDy? "If 'yun 'yung hanap ng mga manonood, go naman tayo diyan," pag-amin ni Sanya Lopez.

Marami ang nag-aabang kung magkakaroon ng anak sina Melody Reyes at President Glenn Acosta, ang mga karakter na ginagampanan nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion sa First Yaya.

Kumpirmado na kasi ang sequel ng show na tatawaging First Lady.

"Actually ang daming nagsasabi na parang, 'What if magkaanak sina Yaya Melody at Sir Glenn?' Parang little GlenDy," saad ni Sanya sa GMANetwork.com.

"Pero if 'yun 'yung hanap ng mga manonood at magiging swak doon sa mga eksena, go naman tayo diyan."

Dagdag pa ni Sanya, marami ang dapat abangan sa love story nina Melody at Glenn lalo na at mag-asawa na sila.

"Yaya pa lang si [Melody] at nagkaroon sila ng relasyon, ang dami ng intriga. Ano pa kaya [ngayon] First Lady na siya, ang dami nang papasok na intriga diyan lalo.

"Siguro, ngayong kasal na nga sila, may matutuklasan pa kaya si Yaya Melody kay Sir Glenn o si Sir Glenn kay Yaya Melody?

"Kasi 'di ba may paniniwala na kapag daw kinasal, usually doon pa lang nagsisimula makilala nang lubusan.

"So na-e-excite ako doon."

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez)

Magsisimula ang lock-in taping ng First Lady sa November, at mapapanood ito sa GMA Telebabad sa 2022.