
Sa kauna-unahang pagkakataon, ipapakita ni Joaquin Domagoso ang kanyang impersonation ng kanyang ama na si Manila Mayor Isko Moreno.
Sa darating na episode ng FLEX ngayong Linggo, gagampanan ni Joaquin ang isang mayor na sasagutin ang ilan sa mga concern ng kanyang mga nasasakupan.
Matindi rin ang hugot ni Voltes V: Legacy actress Ysabel Ortega sa isang skit kung saan magiging online seller siya na ang itinitinda ay pre-loved items mula sa damit hanggang sa kanyang ex-boyfriend.
Sa FLEX Collab naman, makikipagsayawan at tawanan ang mga TikToker na sina Jomar Yee at Queenee Mercado, kasama ang Kapuso stars na sina Jamir Zabarte at Dave Duque.
Si Mavy Legaspi at DJ Sev Laudico ang bibida sa segment na Shout Out, kung saan babasahin niya ang mensahe ng kanyang mga kasama sa kani-kanilang mga ex.
Ipagpapatuloy rin ni Will Ashley ang kanyang superhero character sa Super Flex!
So ano pa ang hinihintay niyo?
Tumutok lang sa pinakabagong comedy-gag-variety show ng GTV na FLEX, 8:20 p.m. para maging good vibes ang inyong Sunday night!
Kilalanin ang leaders ng FLEX Squad dito: