
Nagbigay kasiyahan si Alfred Vargas sa set ng Forever Young sa kaniyang "Isang Sagot, Isang Dakot!" challenge.
Talaga namang good vibes ang hatid nito sa kaniyang co-actors na isa-isang sumalang sa kaniyang challenge.
Game na game na sinagot nina Nadine Samonte, Euwenn Mikaell, Elijah Alejo, at Althea Ablan ang kaniyang mga tanong, na pare-parehong nakakuha ng isang dakot ng chocolates.
"Ito ang aming sikreto kaya kami FOREVER YOUNG: We have fun on the set!" sulat ni Alfred.
Nang tanungin kung ano ang maipapayo niya para manatiling forever young, sagot ni Althea, "Maging happy and enjoy life because you only live once."
Gumaganap si Alfred bilang Gregory ang ama ni Rambo na ginagampanan naman ni Euwenn. Mapapanood din sa serye sina Michael de Mesa, Eula Valdes, Rafael Rosell, James Blanco at marami pang iba.
Patuloy na subaybayan ang Forever Young, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS NG FOREVER YOUNG CAST SA KANILANG SET DITO: