
Maging ang cast member na sina Matt Lozano, Althea Ablan, at Abdul Raman ay kinaiinisan din ang karakter ni Sef Cadayona sa Forever Young.
Sa family drama, ginagampanan ni Sef ang korap na kapitan na si Gerry, na kamag-anak ni Governor Esmeralda (Eula Valdes). Isa siya sa patuloy na nagpapahirap kay Rambo, na pinagbibidahan ng award-winning Kapuso child actor na si Euwenn Mikaell.
Napapanood sina Matt bilang Ompong, Althea bilang Raine, at Abdul bilang Joryl sa Forever Young.
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, ipinarating nina Matt, Althea, at Abdul ang paghanga nila sa epektibong pagganap ni Sef kay Kap Gerry.
"Nakakainis talaga siya," pabirong sabi ni Matt.
"Oo, grabe," dagdag ni Althea. "Talagang pagdating sa set in character siya pero kapag nagto-throw lines kami lumalabas 'yung pagka-comedian niya."
"Ako Kuya Sef, mahal na mahal ko kayo pero I hate your character," sabi naman ni Abdul.
Bukod dito, sinabi rin nina Matt, Althea, at Abdul ang exciting pang mga eksena na dapat na abangan sa Forever Young.
Ayon kay Matt, kapana-panabik kung ano ang mangyayari sa pagiging kapitan ni Rambo.
Ani Abdul, marami pang rebelasyon sa kuwento ng Forever Young. Sabi niya, "Abangan n'yo po ang mga mangyayari pa, ang mga revelations sa story, sa character ni Joryl at ni Raine, syempre kay Rambo."
Pagpapatuloy ni Althea, "Syempre, malapit na malaman nina Raine at Riley na hindi nila totoong kapatid si Rambo so ano 'yung magiging relation nila sa family kapag nalaman nila 'yon. Marami pa silang dapat na abangan."
Subaybayan ang Forever Young, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
SAMANTALA, TINGNAN ANG FUN MOMENTS N EUWENN MIKAELL KASAMA ANG CAST NG FOREVER YOUNG SA GALLERY NA ITO: