
May mga bagong karakter na dapat na abangan sa Forever Young ngayong linggo!
Papasok bilang mga bagong karakter sa family drama sina Chanda Romero at Yasser Marta na makikilala bilang Guada at Oliver.
Sa teaser na inilabas ng Forever Young, lalabas na nawawalang apo ni Eduardo (Michael De Mesa) si Oliver (Yasser Marta). Makikita rin ang sabwatan nina Guada at Aileen, dating nanny ni Eduardo Jr.
Sa pagpasok ni Oliver sa buhay ni Eduardo, magiging kakampi o kalaban kaya siya ni Rambo (Euwenn Mikaell)?
Abangan sina Chanda at Yasser sa Forever Young, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
SAMANTALA, TINGNAN ANG FUN MOMENTS N EUWENN MIKAELL KASAMA ANG CAST NG FOREVER YOUNG SA GALLERY NA ITO: