
Humahanga si Rafael Rosell sa husay na ipinapamalas ng award-winning Kapuso child actor na si Euwenn Mikaell sa kanyang kauna-unahang TV lead role sa Forever Young.
Sa inspiring family drama, napapanood si Rafael bilang Albert Vergara, anak ni Esmeralda (Eula Valdes) at ang tunay na ama ni Rambo, na pinagbibidahan ni Euwenn.
Sa interview sa Fast Talk with Boy Abunda kung saan nakasama niya ang Forever Young co-actor na si Michael De Mesa, sinabi ni Rafael kung paano siya na-"impress" kay Euwenn.
"Sa edad na 'yan parang you're still trying to figure out what you're feeling e, pero for some reason he knows kung ano ang nararamdaman niya at kaya niyang i-replicate at gawin sa eksena. Para sa edad niya at kaya niyang gawin 'yan, para sa akin [I'm] very impressed," sabi ni Rafael.
Bukod sa paghanga kay Euwenn, ibinahagi rin ni Rafael ang isa sa dahilan kung bakit nakaka-inspire ang Forever Young.
"I believe it deals with a certain condition na hindi pa alam ng karamihan. Because of that condition, maraming challenges na mag-a-appear so I think people will be able to relate dahil a lot of us feel really small inside and here you see the small man facing big challenges," aniya.
Kasama rin ni Rafael na nagbibigay inspirasyon sa serye sina Eula Valdes, James Blanco, Matt Lozano, Dang Cruz, Althea Ablan, Princess Aliyah, Bryce Eusebio, at Abdul Raman.
Abangan ang Forever Young, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.
TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES SA SET NG FOREVER YOUNG DITO: