GMA Logo Forever Young finale week
What's on TV

Huling laban ni Rambo bilang mayor, abangan sa finale week ng 'Forever Young'

By Aimee Anoc
Published February 17, 2025 12:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Side-hustling Pinoys bring artists to Dubai for the holiday season
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

Forever Young finale week


Huwag palampasin ang laban ni Mayor Rambo Agapito sa huling linggo ng 'Forever Young,' 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime.

Iluluklok na si Rambo bilang bagong mayor ng bayan ng Corazon!

Sa teaser na inilabas ng Forever Young para sa finale week, hindi pa rin tumitigil si Esmeralda (Eula Valdes) sa kanyang plano na mapabagsak sina Eduardo (Michael De Mesa) at Rambo (Euwenn Mikaell).

Matatandaan na nalaman ni Esmeralda sa kulungan na umatras na si Eduardo sa laban bilang kandidato sa pagka-mayor ng Corazon para suportahan ang apo na si Rambo. Hindi naman makapapayag si Esmeralda na makaupo sa puwesto si Rambo.

Sa kabila ng panganib, buo ang desisyon ni Rambo na lumaban para maipanalo ang magandang hangarin niya sa bayan.

Huwag palampasin ang huling laban ni Rambo Agapito bilang mayor ng Corazon sa finale week ng Forever Young, 4:00 p.m. sa GMA Afternoon Prime. Mapapanood din ito online via livestreaming sa Kapuso Stream.

BALIKAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES NG PAGTUGIS NINA ESMERALDA AT RIGOR KAY RAMBO SA GALLERY NA ITO: