Pagkamatay nina Gregory at Albert sa 'Forever Young,' umani ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens

Umani ng samut-saring reaksyon mula sa netizens ang pagkamatay nina Gregory at Albert sa afternoon series na Forever Young, na ginagampanan nina Alfred Vargas at Rafael Rosell.
Maraming netizens ang hindi makapaniwala sa sabay na pagkawala ng dalawang karakter sa serye. Mayroong mga nalungkot sa nangyari at ang iba ay umaasang buhay pa si Albert.
Mayroon ding mga katanungan kung paano pa malalaman ni Rambo (Euwenn Mikaell) ang katotohanan tungkol sa tunay niyang ama.









