Behind-the-scenes ng pagtugis nina Esmeralda at Rigor kay Rambo, silipin

Nahaharap ngayon sa panganib si Kapitan Rambo (Euwenn Mikaell) dahil sa pagtugis sa kanya nina Rigor (James Blanco) at Esmeralda (Eula Valdes).
Matatandaan na itinakas ni Rigor si Esmeralda mula sa pagkakaaresto nito sa kasong murder, matapos na mabunyag na siya ang utak sa pambobomba noon sa pamilya ni Eduardo (Michael De Mesa).
Ngayon, si Rambo ang tina-target nina Esmeralda at Rigor para pabagsakin si Eduardo.
Narito ang pasilip sa ilang behind-the-scenes ng pagtugis nina Esmeralda at Rigor kay Rambo:







