Makaligtas kaya si Mayor Rambo Agapito sa assassination?

Sukdulan na ang kasamaan nina Esmeralda (Eula Valdes) at Rigor (James Blanco) matapos na isagawa ang assassination kay Rambo Agapito (Euwenn Mikaell) sa kanya mismong proklamasyon bilang bagong mayor ng bayan ng Corazon.
Sa teaser na inilabas ngayong Miyerkules ng Forever Young, nanganganib ang buhay ni Mayor Rambo Agapito matapos na mabaril sa kanyang proklamasyon.
Dahil sa galit, isinumpa ni Eduardo (Michael De Mesa) na mananagot si Esmeralda sa ginawa nito kay Rambo.
Samantala, tingnan ang ilang behind-the-scenes sa nangyaring assassination kay Mayor Rambo Agapito sa gallery na ito:




