GMA Logo

Ipinakikilala ng GMA ang mga pinakabagong batang superstars na inyong aabangan tuwing hapon as they introduce you to the world of football sa pinakabagong programa sa primetime, ang FUTBOLILITS.

Sa kanyang pagbabalik sa primetime ay pangungunahan ni Raymart Santiago ang cast ng Futbolilits bilang si Frankie, isang magaling na football player na mababago ang buhay sa pagkawala ng kanyang asawa at anak sa isang trahedya.

Matapos ang trahedyang ito, maninirahan si Frankie na mag-isa sa mundo at mawawala siya sa mundo ng football. Ilang taon din siyang hindi magpapakita at makikipag-usap sa kanyang mga kaibigan dahil nanaisin lang niya ang mapag-isa sa kalungkutan. Ngunit lahat ito ay magbabago sa kanyang pagkakakilala sa isang team ng mga batang football players na kinukutsa dahil sa kanilang kakulangan sa training sa football. Dahil sa mga batang ito ay muling lalabas si Frankie sa mundo at muling babalik sa mundo ng football bilang coach ng kanilang grupong tatawaging Futbolilits.

Tiyak na aantabayanan ng mga manonood ang mga football games na tampok dito sa Futbolilits, at matututunan nila ang kahulugan ng tunay na pagkakaibigan at sportsmanship, na siyang tunay na pinakamahalaga sa bawat larong kanilang kakaharapin.

Abangan ang FUTBOLILITS gabi-gabi bago mag-24 Oras dito lamang sa GMA.

TV Inside


TV Index Page


Futbolilits




Futbolilits: Full Episode 75 (Stream Together)
Futbolilits: Full Episode 74 (Stream Together)
Futbolilits: Full Episode 73 (Stream Together)
Futbolilits: Full Episode 72 (Stream Together)
Futbolilits: Full Episode 71 (Stream Together)