GMA Logo mariko sasaki
What's on TV

Miss Tres member na si Mariko, malaki ang pasasalamat sa yumaong ka-miyembrong si Mia

By Aedrianne Acar
Published February 10, 2021 11:22 AM PHT
Updated February 13, 2021 4:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

St. Luke's inhaler clinic opens to improve asthma, COPD patient care
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU 

Article Inside Page


Showbiz News

mariko sasaki


Mariko sa yumaong ka-miyembro sa Miss Tres na si Mia: “Kasi sa totoo lang po 'pag may dumarating na magagandang blessings sa grupo namin, pakiramdam ko siya 'yung kumikilos.”

Itinuturing na isa sa mga inspirasyon ng Miss Tres members ang yumao nilang kasamahang si Mia Narciso.

Ang transgender singing group--na binubuo ngayon nina Mariko, Crissy, at Mariel--ay nakilala nang sumali sila sa Asia's Got Talent noong 2015.

Sa kasamang palad, hindi na nila nakasama si Mia nang sumali sila sa Britain's Got Talent noong 2018 dahil pumanaw na siya dulot ng sakit na lung cancer.

Sa ginanap na Kapuso Brigade 'Zoomustahan' para sa Game of the Gens (GOTG) noong Martes, February 9, emosyonal si Mariko nang mapag-usapan ang kaibigang si Mia.

Naniniwala siya na masayang-masaya ang kanilang BFF sa bagong project nila na GOTG sa GMA News TV.

Paliwanag ni Mariko, “I'm pretty sure na masayang-masaya siya. Ramdam na ramdam ko po na siya 'yung bumubulong sa mga executives ng GMA, parang ganun 'yung feel ko.”

“Siya 'yung kaluluwa na bumubulong, 'kunin n'yo to'

“Kasi sa totoo lang po 'pag may dumarating na magagandang blessings sa grupo namin, pakiramdam ko siya 'yung kumikilos.

“Siya 'yung tumatrabaho para sa amin.”

Dagdag pa niya, “I'm pretty sure masayang-masaya talaga siya, dahil nagawa namin ito, hindi lang para sa sarili namin kundi para na rin sa kanya.

"At the same time, to uplift the community--the LGBTQIA+ community, especially trans community--dahil ayaw namin na ma-box hanggang dito lang o ma-stereotype hanggang dito lang ang mga trans.”

Gen Dolls on Game of the Gens

Sa bagong game show ng GMA News TV na Game of the Gens, makikilala ang Miss Tres members bilang Gen Dolls.

Sa exclusive interview ng GMANetwork.com via video conference, inamin ng Gen Dolls na nagulat sila nang mapili sila mapasama sa all-original Kapuso game show.

Sabi ni Mariko, “Initial reaction is shocked!

“Never namin inimagine na magkakaroon kami ng ganitong klaseng exposure, opportunity, trabaho, dahil sobrang dinami-daming talented people sa Pilipinas, napili pa kami.

“Kaya sobrang overwhelmed at sobrang saya.”

Game of the Gens pictorial with Sef Andre and the Gen Dolls

Game of the Gens pictorial with Sef Andre and the Gen Dolls

Sinegundahan naman ito Crissy na 'perfect timing' para sa kanila ang GOTG.

“Actually, we were really praying hard na not necessarily na magkaroon kami ng TV show or something.

“Magkaroon kami ng project na mag-e-enjoy kaming tatlo and siguro po, yes, perfect timing na ibinigay po 'yung show. So, we are very blessed.”

Para naman kay Mariel, pagkakataon na uli nilang tatlo na makapagpasaya ng tao, matapos maapektuhan ang trabaho nila bilang entertainer ng pandemic.

Saad niya, “Mas excited po kami kasi kumbaga, ako personally, since nag-start 'yung pandemic, nag-lockdown ng March nahinto po 'yun trabaho namin na performing, na magpasaya ng mga tao.

“So parang eto na uli 'yung chance na makapagpasaya kami ng tao na hindi lang isang lugar, siyempre sa trabaho namin may mga bar kami na pinagpe-performan.

“Pero dito lahat ng mga Kapuso mapapasaya namin, so sobrang exciting.”

Ang Game of the Gens ay pangungunahan ng hosts nito na sina Sef Cadayona at Andre Paras.

Abangan ang exciting pilot episode ng Game of the Gens, directed by Rico Gutierrez, sa Valentine's Day, February 14, 7:45 p.m. sa GMA News TV!

Silipin ang masayang pictorial ng Game of the Gens hosts and Gen Dolls sa gallery na ito: