
Tila na-starstruck ang isa sa mga Gen Dolls nina Sef Cadayona at Andre Paras sa Sunday night episode ng Game of the Gens sa GTV.
Nag-guest ang Magkaagaw stars na sina Sheryl Cruz at Jeric Gonzales sa all-original Kapuso game show at dito hindi naitago ang saya ni Mariko nang makita ang idol niya.
Sabi niya, “Actually, mero'n ako message kay Ms. Sheryl Cruz, kasi fan na fan niya ako! Alam mo ba 'yung song na pinasikat ni Miss Sheryl Cruz, naging theme song ng mga bading 'yan.”
Balikan ang starstruck moment ni Mariko kay Sheryl Cruz sa video above o panoorin DITO.
Heto pa ang ilang trending scenes sa kuwelang game show nina Sef Cadayona at Andre Paras.
Perks ng jowang hindi katangkaran, alamin!
Kung G na G pa rin kayo sa kulitan at amazing trivia, muling tumutok sa episode next week ng bago ninyong Sunday night habit na Game of the Gens sa GTV sa oras na 7:45 PM.
Pilot episode ng 'Game of the Gens', pinusuan ng mga netizen!
HIGHLIGHTS: Barbie Forteza's dad Antonio on Andre Paras: "Sinayang niya, e"