GMA Logo Girl Next Room
What's on TV

'Girl Next Room,' abangan sa GTV

By EJ Chua
Published February 4, 2022 5:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Megan Young, Mikael Daez mark first Christmas as parents
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

Girl Next Room


Thai television series na 'Girl Next Room,' malapit nang mapanood sa GTV.

Ilang linggo na lang, mapapanood na ang Thai romantic comedy television series na Girl Next Room sa GTV.

Iikot ang apat na series ng Girl Next Room sa buhay ng apat na babae na naninirahan sa isang all-women dormitory.

Isang istriktong rule ang ipinatutupad sa dormitory na ito, bawal magsama o magpatulog ng kahit na sinong lalaki.

Siguradong kikiligin, tatawa at matututo ang mga manonood sa karakter ng apat na babae na mayroong iba't ibang love story.

Sa unang istorya nito na pinamagatang "Motorbike Baby," mapapanood ang ilang Thai lead stars na sina Mook Worranit Thawornwong na gaganap bilang si Sundae, Toy Pathompong Reonchaidee na gaganap bilang si Martin, at Fluke Gawin Caskey na mapapanood naman bilang si Mile.

Ang "Motorbike Baby"' ay tungkol kay Sundae, ang isa sa mga naninirahan sa dormitory na pag-aari ni Mrs. Jam at ang babaeng mahihirapang magdesisyon kung ang ex-boyfriend niya ba ang muli niyang iibigin o bubuksan niya ang kanyang puso para sa ibang lalaki.

Embed photo: MOTORBIKE (To follow po ang photo)

Tampok naman sa ikalawa hanggang ikaapat na series ang ilan pang Thai stars na sina Jamie Juthapich Indrajundra, Singto Prachaya Ruangroj, Mild Lapassalan Jiravechsoontornkul, Off Jumpol Adulkittiporn, Gigie Chanunphat Kamolkiriluck, Kao Jirayu La-ongmanee, at marami pang iba.

Sabay-sabay nating subaybayan ang mga nakakakilig na kuwento at mga eksena sa Girl Next Room, malapit na sa GTV.

Panoorin ang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.