
Sa latest episode ng All Access, napili si Ivan Dorschner ng kanyang co-stars sa The One That Got Away na sina Jason Abalos at Migo Adecer bilang "most likey to ghost a girl." Ani ng host na si Joyce Pring, "[Ang ghosting ay 'yung] meron kang ka-date, meron kang kalandian, tapos bigla ka na lang maglalaho."
Inamin naman ni Ivan, "It's probably me, but... Look, I'm just very career-oriented. And I know na siguro, 'pag dumating na ang araw na [gusto na magpakasal ng girl], hindi ko maibibigay 'yan sa kanya. First of, napipili ko 'yung galawang career kaysa galawang love life."
Panoorin ang episode ng All Access this week dito: