
Nasubok ang pagiging honest nina Boobay at Tekla nang sumalang sila sa Lie Dector Test Challenge para sa ikalawang episode ng The Boobay and Tekla Show.
Simula pa lang ng episode ay aminadong nanlamig na ang mga kamay ng fun-tastic duo dahil sa kaba. Papatunayan kasi gamit ang isang lie detector machine kung ang sagot nila ay truth o charot.
Ilan sa mga tanong na nagpakaba kay Tekla ay kung si Donita Nose ba ang mas gusto niyang ka-partner sa online show kaysa si Boobay, at kung naranasan na ba niyang mag-taping na lasing. Ramdam din ni Boobay ang pang-iintriga nang tanungin kung may naka-one night stand siyang aktor, at kung pinagtaksilan niya ang kanyang boyfriend habang nasa ibang bansa ito.
Panoorin ang buong episode dito:
Bisitahin din ang GMANetwork.com/TBATS, GMA Network YouTube channel (https://www.youtube.com/user/GMANETWORK), at GMA Network Facebook page (www.facebook.com/GMANetwork) para sa previous at fresh episodes ng Kapuso digital comedy show.