What's on TV

WATCH: Tekla, napilitang kumain ng ampalaya matapos matalo kay Boobay

By Cherry Sun
Published September 19, 2018 10:16 AM PHT
Updated September 19, 2018 10:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

US Justice Dept releases card mentioning Trump, purportedly from Epstein to Nassar
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Bitter kaya si Tekla dahil napakain siya ng ampalaya ni Boobay sa latest episode ng 'TBATS?' Alamin sa video na ito.

Literal na bitter ang naging ending sa laro nina Boobay at Tekla para sa September 13 episode ng The Boobay and Tekla Show. Napakain kasi ng ampalaya si Tekla dahil sa kanilang mala-Celebrity Bluff challenge na 'I Don't Believe Yah.'

Nasubukan ang bluffing abilities ng fun-tastic duo nang magsalitan sila sa paglarawan at paghula ng laman ng mystery box. Sasagot ng 'I believe yah' ang unang player kung naniniwala siyang tama ang ipinapahulang item sa kanya, at 'I don't believe yah' naman kung sa tingin nito ay nagsisinungaling ang kabilang player.

Ang catch, kailangang kainin ng humuhula ang lamang pagkain ng kahon kung mali ang sagot niya, at kung tama naman siya ay kailangang ang nagpapahula ang kumain ng naturang pagkain.

Mahulaan kaya nila kung ano ang lumalambot habang nilalaro? Ang pagkaing maangot? At ang pagkaing may kinalaman sa alamat ng aswang?

Panoorin:



Tanggal na naman ang pagod at homesickness ng netizens sa kalokohang hatid ng dalawa.


Tuloy-tuloy dapat ang good vibes! Tutok na sa GMANetwork.com/TBATS, GMA Network YouTube channel (https://www.youtube.com/user/GMANETWORK), at GMA Network Facebook page (www.facebook.com/GMANetwork) tuwing Martes at Huwebes ng 5 P.M. para non-stop ang good vibes!