
Malapit nang mapanood sa telebisyon ang The Boobay and Tekla Show (TBATS). Ano kaya ang dapat abangan sa crossover ng Kapuso digital comedy show to national TV?
Sa exclusive interview ng GMANetwork.com, may binitiwang pangako ang fun-tastic duo tungkol sa The Boobay and Tekla (TBATS) TV.
EXCLUSIVE: 'The Boobay and Tekla Show,' unang digital show na magko-cross over to TV
Ani Tekla, tuloy pa rin ang paghahatid nila ng laugh trip.
“Saya, ngiti at good vibes. Basta every time wala kaming gagawin kundi pampa-good vibes lang. Kasi ang dami nating problema ngayon so kailangan natin tumawa,” sambit niya.
Wika naman ni Boobay ay maraming dapat abangan ngayong malapit na silang mapanood sa telebisyon.
“Ibang iba ang inyong makikita. Madaming bago kayong masasaksihan, mapapanood. 'Ay nakita ko na 'yan,' walang ganun na makikita niyo, walang ganun na mangyayari. At the same time, mag-e-enjoy talaga sila tapos mararamdaman nila na they are one with us. Kumbaga, kasama sila. Hindi kami 'yung bida, kundi 'yung audience, ang Kapuso natin ang magiging bida,” saad niya.