GMA Logo Althea Ablan and Elijah Alejo
What's on TV

Althea Ablan at Elijah Alejo, sasabak sa "Mamahalin o Kakaibiganin" sa 'TBATS'

By Dianne Mariano
Published August 4, 2021 3:40 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magkano ang minimum wage rates sa bawat rehiyon ng Pilipinas?
OFWs repatriated due to Middle East crisis welcomed at job fair
Six PH universities make it on Times Higher Education University Rankings

Article Inside Page


Showbiz News

Althea Ablan and Elijah Alejo


Sinu-sino ang "mamahalin at kakaibiganin" nina Kapuso stars Althea Ablan at Elijah Alejo? Alamin sa 'The Boobay and Tekla Show' ngayong Linggo.

Tuloy-tuloy ang kulitan at kasiyahan dahil sina Kapuso actresses Althea Ablan at Elijah Alejo ng Prima Donnas ang special guests para sa fresh episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, August 8.

Sasagutin ng dalawang aktres ang mga nakaka-intrigang tanong sa “May Pa-Presscon” at sasabak sa sub-segment na “Mamahalin o Kakaibiganin” na tiyak na maghahandog ng tuwa at kilig sa mga manonood.

Masasaksihan din sa episode na ito ang hindi sinasadya na pagbubunyag nina Althea at Elijah ng kanilang mga crush na young Kapuso actors.

Sa nakatutuwang comedy segment na “Ang Arte Mo,” ipapamalas ng Prima Donna stars ang kanilang galing at talino sa pag-improvise.

Kagaya ng nakaraan na episode, nagbabalik ang pinaka-paboritong segment ng manonood na “Birit Showdown” kung saan susubukan nina Althea, Elijah, Boobay, Tekla, at Mema Squad na ipakita ang kanilang husay sa pagbirit ng mga sikat na kanta.

Ngayong Linggo, ang bumubuo sa Mema Squad ay ang mga beteranong komedyante na sina Pepita Curtis, Mariko, Kitkat, at Ian Red.

Tuloy-tuloy ang laughtrip kahit mayroong krisis! Huwag palampasin ang nakatutuwang episode ng The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo August 8, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho.

Samantala, muling tingnan at alamin kung bakit sina Boobay at Tekla ang nangunguna sa larangan ng komedya sa gallery na ito: