
Pagdating sa mga Pilipinong naghahanap ng malamig na pupuntahan tuwing Kapaskuhan, ang unang mga destinasyon na pumapasok sa kanilang isipan ay Baguio. Pero salamat sa pananaliksik ng Good News, may mairerekomenda silang destinasyon na malapit na, libre pa.
Binisita ng Good News ang Tanay, Rizal upang makita ang Cielo Alto Place, isang event place kung saan matatanaw hindi lamang ang mga bulubundukin ng Sierra Madre, kundi pati na rin ang “sea of clouds” tuwing panahon ng tag-ulan.
Maliban sa walang bayad na tanawin, meron ding mini carnival na walang entrance fee kung mag-iikot-ikot lamang ang mga bisita. Merong mga bump cars at carnival games na makikita rito, kung saan pwedeng mag-enjoy ang mga bisita ngayong Kapaskuhan. Para naman sa mga nais mag-overnight sa lugar, maaaring pumili ang mga bisita sa loft cabin, regular cabin, mini cabin, family cabin, at holiday rooms 1, 2, at 3.
Maliban sa Cielo Alto Place, matatagpuan din halos isang oras mula rito ang Mangantila Café and Restaurant na mayroong mga photo spots na libreng puntahan para sa mga bisita. Kung abutin man ng gutom dito, maaari na ring kumain sa restaurant na may mga putahe tulad ng inulang (PhP718) at pinakbet na gata (PhP508).
Panoorin ang buong episode ng Good News sa baba.
Panoorin ang Good News at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!
Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.