GMA Logo Its Showtime
What's on TV

'It's Showtime,' mapapanood na sa GTV simula July 1

By Dianne Mariano
Published June 20, 2023 12:07 PM PHT
Updated June 20, 2023 12:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma continues to move slowly, 24 areas under Signal No. 1
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Its Showtime


Abangan ang noontime variety show na 'It's Showtime' sa GTV!

Madlang people at mga Kapuso, handa na ba kayo?

Mapapanood na ang Kapamilya noontime variety show na It's Showtime sa GTV!

Sa official Facebook post ng GTV, ibinahagi ang larawan ng naturang programa kasama ang mga host nito na mayroong caption na, “Madlang people, let's make some noise!”

Samantala, naglabas na rin ng statement ang ABS-CBN sa naturang paglipat ng It's Showtime sa GTV.

Isang post na ibinahagi ni ABS-CBN PR (@abscbnpr)

Humanda nang makisaya tuwing tanghali kasama ang hosts ng It's Showtime na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Karylle, Jhong Hilario, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Ryan Bang, Amy Perez, Ogie Alcasid, Kim Chiu, Jackie Gonzaga at Ion Perez.

Tiyak na mapupuno ng good vibes ang inyong mga tanghali sa hatid nilang mga nakatutuwang segments na dapat ninyong abangan.

Abangan ang It's Showtime sa GTV!

IN PHOTOS: Unbreakable bonds beyond network rivalry