
Ngayong November 2023, mapapanood sa GTV ang isang romantic comedy Thai drama series.
Ito ang seryeng My Husband in Law na tiyak na magdadala ng kilig sa puso ng mga manonood.
Tampok sa serye ang Thai stars na sina Mew Nittha Jirayungyurn at Prin Suparat o mas kilala bilang si Mark Prin.
Ang istorya ng My Husband in Law ay iikot sa dalawang taong ayaw sa isa't isa ngunit kalaunan ay magkakasundo upang takasan ang isang komplikadong sitwasyon.
Ano kaya ang mangyayari sa dalawang taong sabay na kakagat sa isang pagkukunwari?
Posible bang ma-in love ang dalawang indibidwal na halos ituring nang kaaway ang isa't isa?
Abangan ang napakaraming kilig at war scenes sa serye.
Huwag palampasin ang napakagandang istorya ng My Husband in Law, ang bagong handog ng GTV.