GMA Logo Jewel in the Palace
What's on TV

Iconic Koreanovela 'Jewel in the Palace,' mapapanood sa GTV ngayong Disyembre

By Aimee Anoc
Published November 24, 2023 11:28 AM PHT
Updated November 29, 2023 3:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SC announces the passing of retired Justice Bernardo P. Pardo
Couple dead, child hurt in Nueva Ecija road mishap
BTS's Jungkook is Chanel Beauty's newest global brand ambassador

Article Inside Page


Showbiz News

Jewel in the Palace


Balikan ang inspiring story ni Jang Geum sa 'Jewel in the Palace' ngayong Disyembre sa GTV.

Muling mapapanood sa Philippine television ang isa sa highest-rated Korean historical drama na Jewel in the Palace, na pinagbidahan ng multi-awarded actress na si Lee Young-ae bilang Jang Geum.

Unang napanood ang Jewel in the Palace sa South Korea noong 2003, at ipinalabas sa GMA noong 2005.

Kasama sa historical series ang Korean stars na sina Im Ho bilang Haring Jungjong, Hong Li-na bilang Geum-young, at Ji Jin-hee bilang Jung-ho.

Ang Koreanovela na ito ay base sa totoong kuwento ni Jang Geum, ang unang babaeng naging manggagamot ng hari sa panahon ng Joseon Dynasty.

Sa kabila ng mababang estado sa buhay, hindi tumigil si Jang Geum na mangarap at nagsumikap hanggang sa maging tagapagluto sa palasyo at kalaunan ay naging unang babaeng doktor ng hari.

Abangan ang Jewel in the Palace ngayong December 1, 2:30 p.m. sa GTV.

Panoorin ang Jewel in the Palace at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, huwag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.