GMA Logo Good Old Days
What's on TV

Thai series na 'Good Old Days,' mapapanood na sa GTV ngayong Marso

By Dianne Mariano
Published March 7, 2025 10:10 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Running, walking, and more kick off for Pinoys aiming to get fit in 2026
Negros Occ records over 260 road mishaps
2026: A guide to the Year of the Fire Horse

Article Inside Page


Showbiz News

Good Old Days


Maaari bang magkaroon ng alaala ang mga bagay? Abangan ang Thai drama series na 'Good Old Days' simula ngayong March 9 sa GTV.

Saksihan ang mga kwentong magpaparamdam ng iba't ibang emosyon sa pinakabagong Thai drama series na Good Old Days sa GTV simula March 9.

Ang star-studded cast ng nasabing series ay binubuo nina Bright Vachirawit, Win Metawin, Lee Thanat, Fah Yingwaree, Tay Tawan, Toy Pathompong, Aye Sarunchan, Joss Way-ar, Kay Lertsittichai, Namtan Tipnaree, Thanaerng Kanyawee, Pat Chayanit, Krist Perawat, at Prim Chanikarn.

Iikot ang kwento ng Good Old Days sa isang kakaibang antique shop kung saan ang bawat item na ibinibenta rito ay mayroong background at ang halaga nito ay sinusukat batay sa lalim ng mga damdamin at sentimyento na nauugnay rito.

Ang taong magbebenta ng kanyang kagamitan ay maaaring balikan kung gaano kahalaga ang bagay na iyon sa kanyang buhay.

Huwag palampasin ang Good Old Days simula March 9 sa GTV.