IN PHOTOS: Meet the cast of the Korean drama series 'Innocent Defendant'

GMA Logo asdad

Photo Inside Page


Photos

asdad



Ang kapanapanabik na latest Korean drama series na pinamagatang 'Innocent Defendant' ay mapapanood na sa GTV!

Ang istoryang ito ay tungkol sa isang tanyag na prosecutor ng Seoul Central District na si Julius Park (Ji Sung) na gumising sa loob ng bilangguan na walang alaala matapos ipagdiwang ang kaarawan ng kanyang anak na si Hannah.

Napag-alaman niya na siya ang prime suspect sa pagkamatay ng kanyang asawa at anak.

Bago ang malagim na pangyayaring ito, hinawakan niya ang kaso ni Ronnie Cha (Uhm Ki-joon) dahil naakusahan ito sa pagpatay ng isang babae.

Upang makatakas sa kanyang kasalanan, magagawa niyang patayin ang sariling kakambal na si Reggie Cha (Uhm Ki-joon) at kukunin ang identity nito.

Mayroon nga bang kinalaman ito sa paghawak ni Julius sa kaso ng makapangyarihang heredero ng Chamyoung Group?

Makakasalamuha rin ni Julius ang matalik na kaibigan at kapwa prosecutor na si Norman Kang (Oh Chang-seok) na hahawak sa kanyang kaso.

Si Courtney Seo (Kwon Yu Ri) naman ang magsisilbing abogado ni Julius at dati niya itong minamaliit sa korte.

Alam naman ng asawa ni Reggie Cha na si Sandy Na (Uhm Hyun Kyung) ang pagkakaiba ng magkapatid kahit na magkapareho man ang itsura nito.

Ang kaabang-abang na Korean drama series na 'Innocent Defendant' ay binubuo ng mga tanyag na aktor at aktres na sina Ji Sung, Uhm Ki-joon, Kwon Yu Ri, Uhm Hyun Kyung, at Oh Chang-seok.

Kilalanin pa ang cast ng 'Innocent Defendant' sa gallery na ito:


Julius Park
Ji Sung
Ronnie at Reggie Cha
Uhm Ki-joon
Courtney Seo
Kwon Yu Ri
Sandy Na
Uhm Hyun Kyung
Norman Kang
Oh Chang-seok

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays