Netizens, nag-react sa paglipat ng 'It's Showtime' sa GTV channel

Marami ang natuwa sa sorpresang pasabog ng noontime variety show na 'It's Showtime.'
Mas magiging masaya ang inyong pananghalian dahil malapit nang mapanood sa GTV ang 'It's Showtime!'
Ngayong araw, ibinahagi sa official Facebook page ng GTV ang larawan ng programa kasama ang mga hosts nito na sina Vice Ganda, Kim Chiu, Anne Curtis, Vhong Navarro, Karylle, Jhong Hilario, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Ryan Bang, Amy Perez, Ogie Alcasid, Ion Perez, at Jackie Gonzaga.
“G na G na! Abangan iyan!” sulat ng GTV sa kanilang caption.
Kasunod nito ay ang paglabas ng official statement ng ABS-CBN na mapapanood ang ang kanilang programa sa GTV simula July 1.
Samantala, narito ang ilang mga komento ng netizens sa paglipat ng show sa GTV channel ng GMA Network.














