
Isang happy-go-lucky na high school student si Honey (Jung So-min), pero magbabago ang mundo niya nang makilala niya ang genius at suplado na si Gelo (Kim Hyun-joong).
Kahit masungit si Gelo, hanga si Honey sa sipag at katalinuhan nito kaya hindi mapigilan ni Honey na magkagusto rito kahit na nananatiling malayo ang loob ni Gelo sa kaniya.
Nang magka-problema ang tahanan ni Honey at ng kaniyang ama, lilipat sila pansamantala sa bahay ng best friend ng ama ni Honey.
Laking gulat ni Honey ng malaman niyang si Gelo ang anak ng best friend ng ama niya, at sa iisang bubong na sila nakatira.
Ngayong mas madalas magkasama sina Honey at Gelo, may mabuo na kayang pag-iibigan sa kanilang dalawa?
Abangan ang isa sa mga pinakaminahal na drama na nagmula sa Japanese manga series na Itazura Na Kiss at Taiwanese series na It Started with a Kiss.
Ang Playful Kiss ay pinagbibidahan ng ilang magagaling na Korean stars:
Jung So-min as HONEY
Lee Tae-sung as JIGO
Lee Si-young as HERA
Kim Hyun-yoong as GELO
Salubungin ang "Ber" months nang may kilig at tamis mula sa Playful Kiss, simula ngayong September 27, 2pm sa GTV!