GMA Logo GTV movies
What's on TV

'Feelenial' ni Aiai delas Alas, tampok sa GTV ngayong weekend

By Marah Ruiz
Published September 24, 2021 5:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

GTV movies


Isa ang 'Feelenial,' starring Aiai delas Alas at Bayani Agbayani, sa mga pelikulang mapapanood sa GTV ngayong weekend.

Halakhak ang hatid ng 2019 film na Feelenial ngayong weekend sa GTV.

Tampok dito ang mga komedyanteng sina Aiai delas Alas at Bayani Agbayani.

Si Aiai ay si Madame Bato-Bato, isang mayamang biyuda. Si Bayani naman ay si Chito, isang lalaking nakabingwit ng jackpot sa lotto.

Sa paghananap nila ng pag-ibig, magma-match sila ng isang dating app.

Abangan ang kanilang misadventures sa Feelenial, September 26, 12:00 pm sa Sine Date Weekends.

Para sa mga science fiction fans, huwag palamapsin ang Resiklo sa September 25, 7:55 pm sa Saturday Cinema Hits.

Sa isang post-apocalyptic na mundo, isang grupo ng mga survivors ang patuloy na nakikipaglaban sa mga Balang, ang mga aliens na sumakop sa Earth.

Entry ito sa 2007 Metro Manila Film Festival at humakot ng mga parangal kabilang na ang Best Picture, Best Production Design, Best Visual Effects at marami pang iba.

Action-packed naman ang Afternoon Movie Break sa mga pelikulang Uubusin Ko ang Lahi Mo starring Philip Salvador, September 25, 2:00 pm; Ben Balasador starring Ian Veneracion, September 26, 1:45 pm at Eto na Naman Ako ni Robin Padilla, 3:45 pm.

Huwag din palamapasin ang 2009 Swedish romantic drama film na Mammoth sa The Big Picture, September 26, 8:30 pm.

Patuloy na tumutok sa GTV para sa ibang pang mga dekalidad na pelikula.