
Mga Kapuso, kung na-miss ninyo ang Mother's Day treat nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, muli itong mapapanood mamayang gabi.
Ang replay airings ng kauna-unahang dokumentaryo nina Dingdong at Marian na pinamagatang MISS U: A Journey to The Promised Land ay mapapanood ngayong araw (May 8), 9:45 p.m. sa GTV at Heart of Asia Channel.
Abangan kung gaano nga ba naging makabuluhan ang naging paglalakbay ni Marian Rivera sa Israel kasabay nang pagpunta niya sa naturang bansa para sa 70th edition ng Miss Universe pageant kung saan isa ang aktres sa napili upang maging isa sa mga hurado.
Huwag palampasin ang mga nakaaantig na iba't ibang istorya ng inspirasyon, pagmamahal, pagsasakripisyo, pag-asa at pangarap ng ilang nanay at mga kababaihan na nakatagpo ng Kapuso couple sa Israel.
Samantala, tingnan ang behind the scenes ng kauna-unahang dokumentaryo nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa gallery na ito: