GMA Logo GTV movies
What's on TV

'Ikaw at Ako at ang Ending' starring Kim Molina at Jerald Napoles, tampok sa GTV ngayong weekend

By Marah Ruiz
Published May 27, 2022 7:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Megan Young, Mikael Daez mark first Christmas as parents
Mga pang-noche buena at laruan, inihatid ng GMAKF sa mga nilindol bago magpasko | 24 Oras
6 PDLs in Negros Occ released on Christmas Eve

Article Inside Page


Showbiz News

GTV movies


Kabilang ang 'Ikaw at Ako at ang Ending' na pinagbidahan nina Kim Molina at Jerald Napoles sa mga pelikulang mapapanood sa GTV ngayong weekend.

Isang kakaibang love story ang hatid ng real-life sweethearts na sina Kim Molina at Jerald Napoles ngayong weekend sa GTV.

Mapapanood kasi dito ang kanilang romance drama film na Ikaw at Ako at ang Ending.

Tampok dito si Jerald bilang Martin, isang lalaking nagtatago dahil pinuslit niya ang isang bag na puno ng pera na pag-aari ng kanyang boss.

Sa pagtakbo niya sa Ilocos Norte, makikilala niya si Mylene, karaketer ni Kim, isang housekeeper sa hotel na tinutuluyan niya.

Magtatagal ba ang kanilang relasyon kung pugante si Martin?

Abangan 'yan sa Ikaw at Ako at ang Ending, May 29, 1:00 p.m. sa Sine Date Weekends.

Panoorin din ang touching story ng isang abogadong may terminal illness at gangster na tutulong sa kanya na matapos ang kanyang bucket list sa South Korean film na Man of Men, May 28, 1:30 p.m. sa Siesta Fiesta Movies.

Para naman sa fans ng comedy flicks, abangan ang Ang Darling Kong Aswang starring Vic Sotto and Cristine Reyes, May 28, 7:05 p.m. sa G!Flicks.

Hindi namin nakalimutan ang mga fans ng old school Pinoy action movies dahil nariyan ang Estribo Gang ni Jeric Raval, na ipalalabas sa May 28, 3:30 p.m.

Huwag din palampasin ang Hong Kong action comedy film na Lucky Stars Go Places sa May 29, 9:45 p.m. sa The Big Picture.

Panoorin ang mga pelikulang 'yan at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.