GMA Logo GTV movies
What's on TV

'Ang Pangarap Kong Holdap' starring Paolo Contis, tampok sa GTV ngayong weekend

By Marah Ruiz
Published June 3, 2022 7:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PCG: Zero tolerance policy, sanctions vs indiscriminate firing amid New Year revelry
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban

Article Inside Page


Showbiz News

GTV movies


Kabilang ang 'Ang Pangarap Kong Holdap' na pinagbidahan ni Paolo Contis sa mga pelikulang mapapanood sa GTV ngayong weekend.

Isang heist comedy ang dapat abangan ngayong weekend sa second most-watched channel sa Pilipinas, GTV!


Siguradong kagigiliwan ang mga nakatatawang karakter ng Ang Pangarap Kong Holdap.

Tampok dito sina Pepe Herrera, Jerald Napoles, at Jelson Bay bilang mga wannabe holdaper na palpak. Sasali sa kanilang grupo si Nicoy, played by Paolo Contis para tulungan silang maging ganap na mga holdaper.

Abangan 'yan sa Ang Pangarap Kong Holdap, June 4, 7:05 p.m. sa G!Flicks.

Sakto naman sa Pride Month, panoorin ang Versus, starring Gabby Eigenmann at Sunshine Dizon.

Gaganap si Gabby rito bilang isang transwoman na magkikipag-demandahan sa kanyang ex-wife para makuha ang kustodiya ng kanilang mga anak.

Panoorin ang Versus, June 5, 1:00 p.m. sa Sine Date Weekends.

Huwag din palampasin ang Hong Kong crime thriller film na Overheard starring Daniel Wu, sa Siesta Fiesta Movies, June 4, 1:30 p.m.

Para naman sa fans ng romantic comedy, tunghayan ang My Lucky Star ni Zhang Ziyi at Wang Leehom, sa The Big Picture, June 5, 9:45 p.m.

Panoorin ang mga pelikulang 'yan at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.