GMA Logo GTV movies
What's on TV

Horror comedy na 'Da Possessed,' tampok sa GTV ngayong weekend

By Marah Ruiz
Published June 10, 2022 7:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Filipina nurse killed in tragic accident outside Sacramento VA Medical Center
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025

Article Inside Page


Showbiz News

GTV movies


Kabilang ang horror comedy na 'Da Possessed' sa mga pelikulang mapapanood sa GTV ngayong weekend.

Dalwang comedy movies ang hindi dapat palampasin ngayong weekend sa GTV.


Tunghayan ang horror comedy film na Da Possessed starring Vhong Navarro and Solenn Heussaff.

Gaganap si Vhong dito bilang Ramon, isang landscape artist. Ma-i-in love siya sa kanyang boss na si Anna, played by Solenn.

Para ma-impress si Anna, magpapabibo si Ramon sa kanyang landscaping. Pero sa halip na maayos ang kanyang trabaho, aksidente niyang mapapakawalan ang tatlong multo.

Sasapi ang mga ito sa kanya sa paglalayong maghiganti si tatay ni Anna.

Abangan ang Da Possessed sa June 11, 7:05 p.m. sa G! Flicks.

Huwag din palampasin ang South Korean comedy na The Secret Zoo.

Tungkol ito sa isang paluging zoo na magba-viral dahil sa isang polar bear na umiinom ng softdrink mula sa lata.

Pero may sikretong itinatago ang zoo na ito. Wala talagang hayop, kundi mga zookeepers na nakasuot ng animal costumes lang ang mayroon dito!

Gaano katagal nila maitatago ang sikretong ito? Alamin sa The Secret Zoo, June 12, 9:45 p.m. sa The Big Picture.

Panoorin ang mga pelikulang 'yan at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.