GMA Logo Just the Way You Are
What's on TV

'Just the Way You Are' starring Enrique Gil and Liza Soberano, tampok sa GTV ngayong weekend

By Marah Ruiz
Published July 21, 2022 7:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SMC to waive toll fees for Christmas, New Year
P7M suspected shabu seized; 4 nabbed in NorthMin drug busts
Marian Rivera meets Hirono creator Lang and gets an autographed illustration

Article Inside Page


Showbiz News

Just the Way You Are


Kabilang ang 'Just the Way You Are' starring Enrique Gil and Liza Soberano sa mga pelikulang mapapanood sa GTV ngayong weekend.

Mapapanood kasi sa GTV ang teen romantic comedy na Just the Way You Are starring love team at real-life sweethearts Enrique Gil and Liza Soberano.

Gaganap dito si Enrique bilang Drake, isang popular student na makikipagpustahan sa kanyang best friend. Sa ilalim ng kanilang pustahan, kailangan mapaibig ni Drake sa kanya ang transfer student na si Sophia, played by Liza, sa loob ng 30 days.

Magtatagumpay ba si Drake? At paano tatanggapin ni Sophia ang ginawa ni Drake sa kanya?

Abangan ang Just the Way You Are, sa G! Flicks, July 23, 9:30 p.m.

Huwag din palampasin ang murder mystery na Death of a Girlfriend starring AJ Raval at Diego Loyzaga.



Tatlong lalaki ang ipapatawag dahil sa imbestigasyon sa pagkamatay ng isang dalagita sa gubat. Tatlong magkakaibang kuwento rin ang ibibigay nila sa mga imbestigador.

Sino ang tunay na killer? Abangan 'yan sa Death of a Girlfriend, July 24, 12:00 p.m. sa Sine Date Weekends.

Panoorin ang mga pelikulang 'yan at iba pang GTV shows sa mas malinaw na digital display sa GMA Affordabox! Para naman sa on the go, 'wag magpahuli sa inyong paboritong Kapuso programs gamit ang GMA Now sa inyong Android phones!

Mabibili ang GMA Affordabox at GMA Now sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa GMA Store at sa official stores ng GMA sa Shopee at Lazada.